Committee Meeting ng SB, Idinaos Kasama ang Local Finance Committee
- SB San Rafael

- Feb 27
- 1 min read

Upang masigurong maayos at naaayon sa badyet ang mga programa ng bayan, isinagawa ang isang mahalagang Committee Meeting ng Sangguniang Bayan ng San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga masisipag na Kagawad ng Sanggunian, katuwang ang mga mahahalagang opisyal ng munisipyo kabilang sina Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO/PWDO), at ang mga miyembro ng Local Finance Committee (LFC).
Pangunahing layunin ng pagpupulong na ito ang busisiin ang mga panukalang proyekto at siguruhin ang sapat na pondo para sa mga sektor na nangangailangan ng suporta, partikular na ang para sa ating mga kababayang may kapansanan (PWDs). Binigyang-diin ni "Kuya Edison" na ang koordinasyon sa pagitan ng lehislatibo at ng finance committee ay krusyal upang maging "transparent" at epektibo ang paggamit ng kaban ng bayan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng adhikain nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na itaguyod ang isang pamahalaang nakabase sa masusing pag-aaral at tamang proseso para sa ikabubuti ng bawat San Rafaeleño.





Comments