top of page

Pamahalaang Bayan, Sinuri ang mga On-going Projects


Upang masiguro ang mataas na kalidad ng mga itinatayong pasilidad sa ating bayan, nagsagawa ng isang Ocular Inspection ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga kasalukuyang proyektong pang-imprastraktura sa loob ng Municipal Compound.


Ang inspeksyon ay personal na pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion. Kasama rin sa pag-iikot ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan at si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente upang direktang makita ang progreso ng konstruksyon.


Pangunahing layunin ng aktibidad na ito na matiyak na ang bawat detalye ng proyekto ay sumusunod sa itinakdang plano, pamantayan, at tamang kalidad ng materyales. Ayon sa pamunuan, ang modernisasyon ng mga gusali sa loob ng munisipyo ay bahagi ng layuning makapagbigay ng mas komportable, ligtas, at episyenteng serbisyo para sa bawat mamamayan na nagtutungo sa Pamahalaang Bayan.

Comments


bottom of page