top of page

Maligayang Kaarawan sa HR Management Officer, Marianne C. Collantes!


Isang masayang pagbati ang ipinaabot ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng masipag na Human Resource Management Officer (HRMO), Marianne C. Collantes.


Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, kinilala ang mahalagang papel ni Ma'am Marianne sa pangangalaga sa kapakanan, disiplina, at pag-unlad ng lahat ng mga kawani ng munisipyo. Ang kanyang dedikasyon sa pamamahala ng "Human Resources" ay isa sa mga pundasyon ng maayos at tapat na serbisyo publiko sa ating bayan.


Dalangin ng pamunuan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at masaganang biyaya mula sa Panginoong para sa HRMO.

Comments


bottom of page