San Rafael, Ipinagdiwang ang Employee Appreciation Day
- SB San Rafael

- 3 days ago
- 1 min read

Bilang pagkilala sa hindi matatawarang dedikasyon ng mga kawani ng gobyerno, ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Employee Appreciation Day.
Ang espesyal na pagpupugay na ito ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion.
Sa gitna ng mga hamon sa serbisyo publiko, binigyang-diin ng pamunuan na ang mga kawani ang tunay na "haligi" ng maayos, tapat, at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.





Comments