top of page

Fire Prevention Month 2026: San Rafael, Nakikiisa sa Kampanya para sa Ligtas na Pamayanan


Sa pagpasok ng buwan ng Marso, pormal na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2026 na may temang "Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa."


Layunin ng selebrasyong ito na paigtingin ang kamalayan ng bawat San Rafaeleño tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat at kahandaan upang maiwasan ang anumang sakuna dulot ng sunog, lalo na ngayong panahon ng tag-init. Ang kampanyang ito ay pinangungunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion.



Sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – San Rafael, nakahanay ang iba't ibang programa para sa buong buwan, kabilang ang:

  • Fire Safety Awareness Campaign sa mga barangay.

  • Inspeksyon sa mga establisyimento upang matiyak ang pagsunod sa Fire Code.

  • Pagsasagawa ng Fire Drills at Seminar sa mga paaralan at tanggapan.


Binigyang-diin ng pamunuan na ang kaligtasan ay hindi lamang responsibilidad ng mga bumbero, kundi tungkulin ng bawat isa. "Sa sama-samang pagkilos at disiplina, makakamit natin ang isang ligtas at maayos na komunidad," ayon sa pahayag ng ating mga opisyal.

Comments


bottom of page