20 Pamilya, Napiling Hatiran ng Pag-asa at Pagmamahal ngayong Pasko
- SB San Rafael

- Dec 20, 2025
- 1 min read
Dahil sa umaapaw na suporta mula sa mga kaibigan at pamilya, matagumpay na nailunsad ng AYOS San Rafael ang kanilang taunang Outreach Program. Ngayong taon, dalawampung (20) pamilya mula sa ating bayan ang napiling hatiran ng saya, pagmamahal, at kalinga.
Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong walang sawang pagsuporta sa isinagawang Fundraising Raffle. Ang bawat ticket na inyong tinangkilik ay nagsilbing tulay upang makalikom ng sapat na pondo para sa mga handog na ito.
Taos-pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng AYOS sa lahat ng naging bahagi ng misyong ito.
Sa darating na mga araw, personal na bibisitahin ng grupo ang bawat tahanan ng mga napiling pamilya upang direktang iabot ang mga munting handog. Layunin ng aktibidad na ito na maiparating ang mapagkalingang bisig ng Panginoon sa bawat sulok ng ating komunidad.





Comments