top of page

𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 (𝐂𝐒𝐎𝐬) 𝐂𝐎𝐍𝐅𝐄𝐑𝐄𝐍𝐂𝐄

Bilang pagsunod sa itinatadahana ng DILG Memorandum Circular No. 2025-060 na hinihikayat ang ng lahat ng CSOs na mag-apply para sa akreditasyon upang maging opisyal na katuwang ng mga Local Government Units (LGUs) sa pagsusulong ng partisipatibo at inklusibong pamamahala.


Ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison M. Veneracion, Tagapangulo ng Committee on Accreditation and Recognition, Kgg. Gerardo C. Torres, sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ng DILG sa pamumuno ni MLGOO Mary Joy V. Nabor at sa ating CSO Desk Officer, Bb. Riza Balbanero ay nagsagawa ng pagpupulong para sa mga Civil Society Organizations (CSOs).


Layunin ng pagpupulong na ito na palakasin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng Civil Society Organizations (CSOs) at ng Pamahalaang Lokal (LGU) upang mas mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong panlipunan, mapaigting ang partisipasyon ng mamamayan sa mga gawaing pamahalaan, at matiyak ang pagiging bukas at responsableng pamumuno para sa ikabubuti ng ating bayan.

 
 
 

Comments


bottom of page