top of page

Agriculture Office, Pinangunahan ang Unang Pulong at Pamamahagi ng Gamit-Pagsasaka


Bilang bahagi ng pagpapalakas sa sektor ng agrikultura, matagumpay na idinaos ng Municipal Agriculture Office ang unang pagpupulong ng Vegetable Growers Association nitong ika-29 ng Enero, 2026 sa Municipal Building.


Ang pagtitipon ay naglayong pag-usapan ang mga plano at programa para sa ika-uunlad ng produksyon ng gulay sa ating bayan. Kasabay ng nasabing pulong, isinagawa rin ang pamamahagi ng plastic mulch sa mga miyembro ng asosasyon.


Ang plastic mulch ay isang mahalagang kagamitan sa modernong pagsasaka na tumutulong upang mapanatili ang tamang halumigmig (moisture) ng lupa, maiwasan ang pagtubo ng mga peste o damo, at matiyak ang mas mataas na kalidad ng mga ani.


Sa ilalim ng panunungkulan nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, patuloy ang paghahatid ng mga kagamitan at teknolohiya na makatutulong upang mapadali ang trabaho ng ating mga magsasaka at mapataas ang kanilang kita.

"Ang ating mga magsasaka ang pundasyon ng ating pagkain, kaya naman nararapat lamang na sila ay bigyan natin ng sapat na suporta at makabagong kagamitan," pahayag mula sa Agriculture Office.

Comments


bottom of page