top of page

Animal Bite Treatment Center, Ililipat na sa RHU II


Nagpalabas ng mahalagang abiso ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga mamamayan hinggil sa bagong lokasyon at iskedyul ng Animal Bite Treatment Center (ABTC) sa ating bayan.


Simula sa Pebrero 20, 2026 (Biyernes), ang lahat ng serbisyong may kaugnayan sa anti-rabies—kabilang ang konsultasyon at pagbabakuna—ay matatagpuan na sa San Rafael Rural Health Unit II (RHU II) na matatagpuan sa Brgy. Maguinao.


Narito ang dapat tandaan sa bagong iskedyul ng operasyon:

  • Araw: Tuwing Martes at Biyernes lamang.

  • Oras: Mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga (8:00 AM – 11:00 AM).


Comments


bottom of page