top of page

Apat na Barangay ng San Rafael, Binigyang-Pagkilala sa Pag-uwi ng Seal of Good Local Governance


Naging sentro ng pagpupugay ang lingguhang Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas noong unang Lunes ng Disyembre (Disyembre 1, 2025), matapos bigyang-pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang apat na barangay na nag-uwi ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB).


Ayon sa anunsyo ni Vice Mayor Kgg. Edison M. Veneracion, ang pagkilala ay iginawad sa ilalim ng Gawad Galing Barangay. Ang SGLGB ay nagpapatunay sa kahusayan ng pamamahala ng barangay sa mga aspeto ng transparency, financial administration, at disaster preparedness.


Kinilala ang mga sumusunod na Punong Barangay at ang kanilang mga nasasakupan dahil sa matagumpay nilang pag-uwi ng karangalan:

  • Brgy. Diliman I — Pinamumunuan ni Igg. Amalia A. Ramos

  • Brgy. Pantubig — Pinamumunuan ni Igg. Filoteo V. Santos

  • Brgy. Pulo — Pinamumunuan ni Igg. Marvin D. Ortega

  • Brgy. San Roque — Pinamumunuan ni Igg. Reynaldo V. Pile, Jr.

Comments


bottom of page