top of page

Apo ni Mayor Violago, Nagkamit ng Tagumpay sa Men's Foil


Isang malaking karangalan ang iniuwi ng isang batang San Rafaeleño na si Ryan Sage De Hitta matapos itong hirangin bilang Top 2 sa prestihiyosong 2025 Philippine Fencing Association Under 8 Men's Foil.


Si Ryan Sage, na apo ng ating Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., ay nagpakita ng kakaibang galing at liksi sa nasabing kompetisyon. Ang kanyang pagkapanalo ay bunga ng disiplina, sipag, at matinding dedikasyon sa larangan ng fencing sa kabila ng kanyang murang edad.


Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ang tagumpay ni Ryan Sage ay hindi lamang karangalan para sa kanyang pamilya kundi isang malaking inspirasyon para sa lahat ng mga kabataang San Rafaeleño. Pinatunayan niya na walang limitasyon ang edad sa pagkamit ng pangarap basta't may tiyaga at suporta mula sa mahal sa buhay.


Hangad nina Mayor Violago at Vice Mayor Edison M. Veneracion na magsilbi itong hudyat para sa iba pang kabataan sa bayan na linangin ang kanilang mga talento, maging sa palakasan, sining, o akademya. Patuloy ang pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa mga atletang nagbibigay ng ningning sa pangalan ng San Rafael sa buong bansa.


Comments


bottom of page