top of page

Babala sa Power Interruption: Ilang Bahagi ng San Rafael, Mawawalan ng Kuryente bukas, Feb 24


Naglabas ng mahalagang paunawa si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion para sa mga residente ng San Rafael kaugnay ng itinakdang maintenance schedule ng Meralco sa Martes, ika-24 ng Pebrero, 2026.


Ang pansamantalang pagkaputol ng daloy ng kuryente ay bunsod ng isasagawang line reconstruction at line reconductoring works sa kahabaan ng Maharlika Highway (Cagayan Valley Road) na sakop ng Barangay Maasim sa San Rafael at ilang bahagi ng San Ildefonso.


Narito ang mga apektadong oras at lugar:

  • Sa pagitan ng 12:01 AM - 12:30 AM at 4:30 AM - 5:00 AM:

    • Bahagi ng Circuit Cruz na Daan 312CND.

  • Sa pagitan ng 12:01 AM hanggang 5:00 AM (Tuluy-tuloy):

    • Bahagi ng Circuits Cruz na Daan 312CND at 313CND.


Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-imbak ng sapat na tubig, i-charge ang mga kagamitan, at maging handa sa nasabing oras upang maiwasan ang anumang abala. Ang hakbang na ito ng Meralco ay bahagi ng pagsasaayos ng kanilang serbisyo para sa mas matatag na daloy ng kuryente sa ating bayan.

Comments


bottom of page