BABALA SA PUBLIKO: Laban sa mga Ilegal na Subdivision
- SB San Rafael

- Jan 28
- 1 min read

Naglabas ng mahalagang paunawa si Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion upang protektahan ang mga San Rafaeleño laban sa mga mapanlinlang na nagbebenta ng lupa at bahay.
Ayon kay Kuya Edison, dumarami ang ulat ng mga nabibiktima ng mga ilegal na subdivision na walang sapat na Development Permit. Ang mga biktima ay hindi lamang mula sa ating bayan kundi pati na rin sa mga karatig-lugar. Binigyang-diin niya na hindi dapat hayaang masayang ang pinaghirapang ipon ng ating mga kababayan dahil lamang sa maling impormasyon.
Pinayuhan ni Kuya Edison ang publiko na bago pumasok sa anumang transaksyon, tiyakin munang may kaukulang permit ang developer. Ipinapaalala rin niya ang mga probisyon ng Presidential Decree 957 o ang Subdivision and Condominium Buyer's Protective Decree, na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga mamimili laban sa mga mapanlinlang na gawain sa real estate.
"Huwag po tayong magpaloko. Siguraduhin nating legal at rehistrado ang inyong bibilhing pangarap na tahanan para sa inyong pamilya," mensahe ni Kuya Edison.





Comments