top of page

Bagong Health Center sa Brgy. Pulong Bayabas, Pormal nang Binuksan


Pormal nang pinasinayaan ang bagong Barangay Health Center ng Pulong Bayabas sa pamamagitan ng isang Ribbon Cutting at Blessing ceremony ngayong araw.


Pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang okasyon, katuwang sina Vice Mayor Edison Veneracion at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Mainit namang tinanggap ng pamunuan ng Barangay Pulong Bayabas, sa ilalim ni Kap. Reynaldo Veneracion, ang proyektong ito na maghahatid ng mas mabilis na serbisyong pangkalusugan sa kanilang lugar.


Ayon kay Mayor Violago, ang tagumpay ng proyektong ito ay bunga ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at ng barangay. Layunin ng bagong pasilidad na masiguro na ang bawat San Rafaeleño ay may maayos at malapit na takbuhan para sa kanilang pangangailangang medikal.

Comments


bottom of page