Bagong Kasal sa San Rafael, Binati ng Pamahalaang Bayan
- SB San Rafael

- Jan 20
- 1 min read

Muling naging saksi si Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. sa pag-iisang dibdib ng dalawang pares ng magkasintahan sa ginanap na seremonya ng kasalan sa munisipyo.
Buong kagalakang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ang kanilang pagbati sa mga bagong mag-asawa na sina:
Mr. & Mrs. Wilfredo & Myra Binini
Mr. & Mrs. Alvin & Mary Grace Bautista

Sa gitna ng seremonya, nagpaabot ng payo at magandang hangarin si Mayor Violago para sa isang matagumpay, matatag, at mabiyayang pagsasama ng mga bagong kasal.
Ang serbisyong ito ay bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan na itaguyod ang pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat pamilyang San Rafaeleño.





Comments