Bagong Mini Bus, Binili ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael
- SB San Rafael

- Feb 26
- 1 min read

Upang masiguro ang mas mabilis, maayos, at maaasahang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan, pormal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang bago nitong kagamitan—isang modernong mini bus.
Ang pagbili ng nasabing sasakyan ay bahagi ng malawakang plano ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. na i-modernisa ang mga pasilidad at operasyon ng lokal na pamahalaan. Layunin nito na magkaroon ng sapat at episyenteng transportasyon para sa mga programa ng bayan, kabilang ang mga gawaing pang-komunidad, opisyal na lakad ng mga kawani, at iba pang serbisyong pampubliko na nangangailangan ng ligtas na paglalakbay.





Comments