top of page

Bagong Taon 2026: Mensahe ng Pag-asa


Isang mensahe ng pasasalamat at pag-asa ang ibinahagi ni Vice Mayor Edison M. Veneracion sa mga San Rafaeleño sa pagtatapos ng taong 2025.


Hinikayat ni Kuya Edison ang lahat na maglaan ng sandali upang balikan ang mga tagumpay at aral ng nakalipas na taon. Ayon sa kanya, ang pagkilala sa mga biyayang natanggap mula sa Diyos ang pinakamagandang paraan ng paghahanda para sa hinaharap.


Bukod sa pagbati, nagpaabot din siya ng hangarin na matupad ng bawat isa ang kanilang mga New Year’s resolution at mga pangarap para sa kani-kanilang pamilya.

Comments


bottom of page