Barangay at SK Officials, Nagpulong para sa Maayos na Paggamit ng Pondo ng Bayan
- SB San Rafael

- Feb 2
- 1 min read

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang isang mahalagang Coordination Meeting na nakatuon sa Barangay and SK Compliance and Financial Accountability.
Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ating bayan. Pangunahing layunin nito na tiyaking nasusunod ang mga alituntunin ng pamahalaan pagdating sa maayos, tapat, at transparent na paggamit ng pondo ng bayan.

Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng tamang dokumentasyon at pagsusumite ng mga ulat-pinansyal (financial reports) upang maiwasan ang anumang aberya sa serbisyo. Sa ilalim ng gabay nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, patuloy ang pag-alalay ng Pamahalaang Bayan sa mga lokal na opisyales upang mapanatili ang mataas na antas ng integridad sa pamumuno.





Comments