Beat Blaster, Naghari sa Unang Gabi ng Dance Contest; Pasok na sa Finals ng Christmas Remix Dance Craze!
- SB San Rafael

- Dec 2, 2025
- 1 min read

Matagumpay na idinaos kamakailan ang unang gabi ng eliminasyon ng Dance Contest sa San Rafael Christmas Village and Bazaar, kung saan nagningning ang talento ng mga kabataan sa pagsayaw at agad na nagbigay ng unang slot sa Finals ang nagwaging grupo.
Ang grupong Beat Blaster ang naghari at itinanghal na 1st Placer, kaya't sila na ang unang pormal na pasok sa inaabangang Finals ng "Christmas Remix: Born to Be Alive Dance Craze." Pumangalawa naman ang Red Burgers na nag-uwi ng 2nd Placer, habang nakamit ng Dance Mover Kids ang 3rd Placer. Hindi rin nagpahuli sa galing ang The Fab Five Girls at BG5, na parehong nakatanggap ng consolation prize bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon.
Ang paligsahan ay handog ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Punong Bayan Kgg. Cipriano “Goto” D. Violago, Jr., at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong Sangguniang Bayan.
Hinihikayat ang lahat ng grupong may hilig sa pagsasayaw na magpa-register, makisayaw, at maki-saya sa mga susunod pang elimination round. Ang inisyatibong ito ay naglalayong ipagdiwang ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng musika at physical activity.





Comments