top of page

Maligayang Kaarawan Gng. Nerissa L. Villanueva!


Isang masayang pagdiriwang ang idinaraos ngayong araw para sa isa sa mga mahahalagang katuwang ng lokal na pamahalaan sa aspeto ng pananalapi, ang ating Municipal Budget Officer, Gng. Nerissa L. Villanueva.


Sa pangunguna ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, ipinaabot ng munisipyo ang kanilang pasasalamat sa tapat at maayos na paglilingkod ni Gng. Villanueva. Bilang tagapamahala ng badyet ng bayan, ang kanyang dedikasyon ay nagsisilbing pundasyon upang masigurong ang bawat pondo ay nagagamit nang tama para sa mga proyekto at serbisyo para sa mga San Rafaeleño.


Dalangin ng buong Pamahalaang Bayan ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang biyaya mula sa Panginoong Maykapal para kay Ma’am Nery. Nawa’y magpatuloy ang kanyang sigla sa paggabay sa ating bayan tungo sa mas maayos na pangangasiwa ng ating mga yaman.

Comments


bottom of page