Pagbati sa mga Bagong Kasal: Pagmamahalang Pinagtibay sa Bayan ng San Rafael
- SB San Rafael

- Feb 26
- 1 min read

Sa isang seremonya na ginanap sa ating Pamahalaang Bayan, muling pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng tatlong pares ng mga nagmamahalan.

Buong pusong nagpalitan ng kanilang mga sumpaan at "I do" sa harap ng alkalde at ng kanilang mga mahal sa buhay ang mga sumusunod na bagong mag-asawa:
Mr. & Mrs. Chester & Cyrille Ellaine Ramos
Mr. & Mrs. Raymund & Jessarie Malapaya
Mr. & Mrs. Isagani III & Veronica Vicho

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Violago na ang kasal ay hindi lamang isang legal na kontrata kundi isang panghabambuhay na pangako na nangangailangan ng pasensya, tiwala, at wagas na pagmamahalan. Paalala niya, ang bawat matatag na pamilya ay nagsisilbing pundasyon ng isang maayos at progresibong komunidad sa San Rafael.
Ang buong Pamahalaang Bayan, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay nagpapaabot ng taos-pusong pagbati. Hangad ng lahat ang isang matagumpay, mabiyaya, at pangmatagalang pagsasama para sa mga bagong kasal.





Comments