Best Wishes, Mr. & Mrs. Liyanage!
- SB San Rafael

- Feb 10
- 1 min read

Muling naging saksi ang ating Pamahalaang Bayan sa isang matamis na pagpapanata ng pag-ibig matapos pangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang seremonya ng kasal nina Mr. Gamameda Liyanage at Mrs. Laarni Joyce Perera.
Sa gitna ng pagdiriwang, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng pagmamahalan, pag-uunawaan, at pananampalataya bilang pundasyon ng isang matatag na tahanan. Ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay na nagsilbing mga saksi sa kanilang pangako sa isa’t isa.
Ang buong Pamahalaang Bayan, kaisa nina Vice Mayor Edison M. Veneracion at ng Sangguniang Bayan, ay nagpapaabot ng kanilang taus-pusong pagbati sa bagong kasal.
Hangad ng lokal na pamahalaan ang isang buhay na puno ng biyaya, kaligayahan, at tagumpay para sa mag-asawang Liyanage at Perera habang sinisimulan nila ang kanilang bagong yugto bilang iisang pamilya.





Comments