Best Wishes! Pag-iisang Dibdib nina Ervin at Deanne
- SB San Rafael

- Jan 14
- 1 min read

Nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati at suporta si Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison Veneracion sa bagong kasal na sina Ervin at Deanne sa kanilang naging pag-iisang dibdib.
Personal na dumalo si Vice Mayor Edison upang tumayong isa sa mga saksi o Ninong ng mag-asawa. Sa kanyang mensahe, ipinahayag niya ang kagalakan na mapiling isa sa mga gagabay sa mag-asawa sa bagong yugto ng kanilang buhay.
Bilang kanilang Ninong, nag-iwan din si Kuya Edison ng mahalagang payo: na panatilihing puno ng pagmamahalan ang kanilang pamilya, maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok, at laging suportahan ang isa't isa. Hangad ng Pangalawang Punong Bayan ang isang masaya at pangmatagalang pagsasama para sa dalawang nag-isang dibdib.





Comments