top of page

Best Wishes, Wilson at Angela!


Isang masaya at banal na pagdiriwang ng pagmamahalan ang naganap sa Our Lady of Mt. Carmel Parish Church noong ika-25 ng Enero para sa pag-iisang dibdib nina Wilson at Angela.


Naging espesyal ang okasyon sa pagdalo ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison M. Veneracion bilang isa sa mga napiling saksi at gabay ng mag-asawa sa kanilang bagong yugto ng buhay. Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Kuya Edison sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng bagong kasal upang maging bahagi ng kanilang wedding entourage.


Sa kanyang mensahe para sa mga bagong kasal, nag-iwan si Kuya Edison ng mahalagang payo: "Maging kalakasan sana kayo ng bawat isa, lalo na sa panahon ng pagsubok." Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pagmamahalan sa loob ng tahanan at ang patuloy na pananalangin at paghingi ng gabay sa Panginoon upang maging matatag at mabiyaya ang kanilang pagsasama.



Comments


bottom of page