top of page

BFP San Rafael, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony


Sinalubong ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang unang araw ng Disyembre sa pamamagitan ng isang makabuluhang Lingguhang Pagtataas ng Watawat. Ang seremonya ay hindi lamang naging simbolo ng pagmamahal sa bayan, kundi naging plataporma rin para sa mahalagang usaping pangkalusugan.


Ang palatuntunan ngayong Lunes ay pinangasiwaan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Rafael, sa ilalim ng pamumuno ni FSINSP Ervin M. Agustin.


Kasabay ng flag raising, binigyang-diin din ng Pamahalaang Bayan ang pakikiisa sa pagdiriwang ng World AIDS Day. Layunin nito na magbigay ng impormasyon, suporta, at pag-unawa para sa mga taong apektado ng HIV/AIDS at isulong ang isang lipunang may malasakit at walang diskriminasyon.

Comments


bottom of page