top of page

Bodega ng Municipal Agriculture Office, Ininspeksiyon para sa Paghahanda sa mga Programang Pang-agrikultura


Personal na ininspeksiyon ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., kasama si Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan, ang bodega ng Municipal Agriculture Office ng San Rafael.


Layunin ng inspeksiyon na tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga binhi, kagamitan, at iba pang gamit upang masiguro ang kahandaan ng mga ito para sa mga darating na programa at proyekto ng pamahalaan, partikular sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Mayor Violago, sisiguraduhin nilang ang mga binhi at gamit ay maipapamahagi sa tamang panahon at mapapakinabangan ng mga magsasaka bilang suporta sa kanilang kabuhayan.


Ito ay patunay ng patuloy na malasakit at pagbibigay-prayoridad ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mga San Rafaeleñong magsasaka.

Comments


bottom of page