BOSS 2026: Business Permit Renewal sa San Rafael, Simula na!
- SB San Rafael

- Jan 5
- 1 min read

Pormal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Business One-Stop Shop (BOSS) para sa taong 2026 ngayong araw, Enero 5. Layunin nito na gawing mas mabilis, maayos, at komportable ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng mga business permit para sa lahat ng mga negosyante sa ating bayan.
Sa ilalim ng sistemang BOSS, pinagsama-sama sa iisang lokasyon ang mga mahahalagang tanggapan tulad ng BPLO, Treasurer’s Office, Engineering, Health, at Bureau of Fire Protection (BFP). Ito ay upang matiyak na hindi na palipat-lipat ng gusali ang mga aplikante at matapos ang kanilang transaksyon sa lalong madaling panahon.
Pinaaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga stall owners at mga may-ari ng negosyo na magsadya sa ating Municipal Hall simula ngayong araw hanggang sa ika-30 ng Enero, 2026.
Ang mga makakapag-ayos ng kanilang dokumento sa loob ng takdang panahon ay makakaiwas sa kaukulang multa at surcharges. Inaasahan din ang pakikiisa ng lahat upang mapanatili ang kaayusan sa ating BOSS area.





Comments