Brgy. Diliman I, Nanguna sa Pagpapasa ng 2026 Annual Budget
- SB San Rafael

- Jan 8
- 1 min read

Bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri at pagpapatibay ng mga pondong pambarangay, isinagawa ngayong araw, January 8 ang isang Committee Hearing para sa Annual Budget ng Barangay Diliman I para sa taong 2026.
Ang Diliman I ang kauna-unahang barangay sa buong bayan ng San Rafael na nakapagpasa ng kanilang panukalang badyet para sa kasalukuyang taon, isang indikasyon ng maayos at maagang pagpaplano ng kanilang pamunuan.
Pinamunuan ni Kgg. Edlin M. Indon, Tagapangulo ng Committee on Finance, Budget and Appropriations, ang naturang pagpupulong. Layunin nito na masiguro na ang bawat pisong inilaan sa badyet ay naaayon sa batas at tunay na makakarating sa mga programang pakikinabangan ng mga residente ng Diliman I.
Dinaluhan ang pagpupulong nina Kgg. Edison M. Veneracion – Pangalawang Punong Bayan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan (Kagawad) at mga kinatawan at opisyal mula sa Barangay Diliman I.
Ang Annual Budget ay ang nagsisilbing roadmap ng isang barangay para sa kanilang mga proyekto sa imprastraktura, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at seguridad. Ang maagang pag-apruba nito ay nangangahulugan ng mas mabilis na pagpapatupad ng mga serbisyo sa simula pa lamang ng taon.





Comments