top of page

CDT Dancers, Hinirang na Kampeon sa San Rafael Christmas Dance Contest 2025!


Nayanig ang entablado sa tindi ng hatawan at talento sa katatapos lamang na San Rafael Christmas Dance Contest 2025 na ginanap kagabi sa Municipal Grounds. Ang nasabing patimpalak, na may temang "Born to Be Alive Remix," ay tinampukan ng husay ng mga kabataang San Rafaeleño at naging isa sa mga pinaka-inaabangang bahagi ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa bayan.


Matapos ang mahigpit na kumpetisyon, ibinahagi ng mga hurado ang listahan ng mga grupong nagningning sa entablado:


  • CHAMPION: CDT Dancers

  • 1st Placer: Indayog Zumba Group

  • 2nd Placer: SRNTS Dance Troupe


Hindi rin nagpahuli sa pagpapakitang-gilas ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael. Ang mga grupong nagwagi sa nakaraang Year-End Assembly ay naghandog ng isang pampasiglang bilang na lalong nagpataas ng enerhiya ng mga manonood at nagdagdag ng kulay sa programa.


Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay bunga ng patuloy na suporta sa sining at kultura ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno nina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan.

Comments


bottom of page