CFGHS, Kinilala bilang Ika-2 Pinakamahusay na Public High School sa GAWAD KALASAG 2025
- SB San Rafael

- Dec 6, 2025
- 1 min read

Naghatid ng malaking karangalan sa Bayan ng San Rafael ang Carlos F. Gonzales High School (CFGHS) matapos nitong tanggapin ang Plake ng Pagkilala bilang 2nd Best Public High School sa ginanap na Gawad KALASAG 2025
Ang Gawad KALASAG ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa mga organisasyon, lokal na pamahalaan, paaralan, at mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan at nangunguna sa disaster preparedness, response, at humanitarian assistance.
Agad na nagpaabot ng lubos na pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pamumuno ng Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at buong Sangguniang Bayan, sa paaralan at sa mga indibidwal na nagtulak para sa tagumpay na ito.
Partikular na kinilala ang natatanging pamumuno at dedikasyon nina, Dr. Ceanceno M. Espiritu Jr. (Punongguro IV) at G. Roy Oliver G. Fama (School DRRM Advocate)
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng epektibo at matatag na disaster management program hindi lamang sa antas ng munisipalidad, kundi maging sa sektor ng edukasyon ng San Rafael.





Comments