top of page

Charmaine Andres, Nag-uwi ng Karangalan mula sa Women’s Individual Sabre sa Thailand


Muling napatunayan ang galing ng mga San Rafaeleño sa larangan ng palakasan matapos masungkit ng fencer na si Charmaine Andres ang Bronze Medal sa Women’s Individual Sabre sa ginaganap na 2025 SEA Games sa Thailand.


Si Andres, na nagsilbing kinatawan ng Pilipinas, ay nagpakita ng kakaibang liksi at husay sa fencing upang makatuntong sa podium at makapag-uwi ng medalya para sa bansa.


Lubos ang kagalakan ng buong bayan, lalo na ang kanyang pamilya. Si Charmaine ay apo ng kilalang lider sa komunidad na si G. Soc Estrella, na kasalukuyang Punong Barangay at dati ring nanilbihan bilang Konsehal ng Bayan.

Comments


bottom of page