Clean-up Activity, Isinagawa ng mga Kawani
- SB San Rafael

- Jan 26
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya para sa isang mas maayos na kapaligiran, nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa isinagawang Clean-up Activity sa buong compound ng munisipyo noong ika-22 ng Enero.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni Gng. Zenaida Villanueva. Layunin ng gawaing ito na matiyak na ang loob at paligid ng munisipyo ay nananatiling malinis, ligtas, at kaaya-aya para sa mga empleyado at sa mga mamamayang bumibisita upang kumuha ng serbisyo.
Ayon sa MENRO, ang paglilinis na ito ay itinakdang gawin linggu-linggo. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng bawat tanggapan, layon ng lokal na pamahalaan na maging huwaran ang munisipyo sa disiplina at tamang pangangalaga sa kapaligiran.





Comments