CNA para sa mga Kawani ng San Rafael, Inaprubahan na
- SB San Rafael

- Dec 28, 2025
- 1 min read


Matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Bayan ang kanilang 1st Special Session noong Disyembre 18, 2025, sa pangunguna ni Kuya Edison Veneracion.
Ang pangunahing agenda ng nasabing sesyon ay ang pag-apruba sa Collective Negotiation Agreement (CNA).
Ang kasunduang ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaang bayan, kabilang ang mga Permanent Employees, Casual Employees at Municipal Employees.
Ayon sa ulat, ang pagpapatibay sa CNA ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang mga karapatan, benepisyo, at kapakanan ng mga kawani na nagsisilbi sa bayan.
Inaasahang magsisilbi itong inspirasyon sa mga empleyado para sa mas maayos at tapat na paglilingkod sa mga San Rafaeleño.





Comments