CONGRATULATIONS: 3 Bagong Mag-asawa sa San Rafael!
- SB San Rafael

- Jan 13
- 1 min read


Muling naging saksi ang Bahay Pamahalaan ng San Rafael sa pagtitibay ng pangako ng pagmamahalan matapos pangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. ang seremonya ng kasal para sa tatlong pares ng ating mga kababayan.
Sa isang simple ngunit makabuluhang seremonya, pormal na nag-isang dibdib ang mga sumusunod:
Mr. & Mrs. Nicolai at Pauline Borja
Mr. & Mrs. Krissean Aaron at Elsielyn Garcia
Mr. & Mrs. Aristotle at Jiecel Dela Vega

Bilang tumatayong ninong at ama ng bayan, nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati at payo si Mayor Violago sa mga bagong mag-asawa. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-uunawaan at matatag na pundasyon ng pamilya bilang bahagi ng isang maunlad na komunidad sa San Rafael.
Ang mga bagong kasal ay binigyan ng pagkakataong makasama sa isang photo opportunity ang Punong Bayan, na magsisilbing alaala ng kanilang legal at espiritwal na pagkakaisa sa harap ng batas. Ang serbisyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng pamilyang San Rafaeleño.





Comments