Congratulations, Mr. & Mrs. Pascual!
- SB San Rafael

- Nov 27, 2025
- 1 min read

Isang bagong kabanata ng pagmamahalan ang pormal na nagsimula para sa magkasintahang Aljon at Angelica Pascual matapos silang pag-isahin sa harap ng batas sa isang seremonya na pinangunahan mismo ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr.
Bilang bahagi ng kanyang tungkulin at malasakit sa mga pamilyang San Rafaeleño, personal na pinangasiwaan ng ating Punong Bayan ang pagpapalitan ng sumpa ng bagong kasal. Sa gitna ng seremonya, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagmamahalan, tiwala, at pagkakaisa sa loob ng tahanan bilang pundasyon ng isang matatag na komunidad.





Comments