top of page

Dalawang Pares ng Magkasintahan, Pinagbuklod sa San Rafael


Punung-puno ng pag-ibig at pag-asa ang naging kapaligiran sa ating Pamahalaang Bayan matapos pangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. ang seremonya ng kasal para sa dalawang pares ng nag-iisang dibdib.


Malugod na binati ng alkalde ang mga sumusunod na bagong mag-asawa:

  • Mr. & Mrs. Jerick & Jhoevelyn Tangangco

  • Mr. & Mrs. Jezreel & Ashlee Felice Narbonita


Sa harap ng kanilang mga saksi at mahal sa buhay, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng pagtutulungan at matatag na pundasyon ng pamilya bilang bahagi ng isang maunlad na pamayanan. Ang bawat pag-iisang dibdib na idinaraos sa ating munisipyo ay simbolo ng pagbuo ng mga bagong tahanang magsisilbing inspirasyon sa ating bayan.


Ang buong Pamahalaang Bayan, kasama si Vice Mayor Edison M. Veneracion, ay nagpapaabot ng kanilang taus-pusong dalangin para sa isang matagumpay, mabiyaya, at panghabambuhay na pagsasama para sa pamilya Tangangco at pamilya Narbonita.

Comments


bottom of page