Damhin ang Diwa ng Pasko: San Rafael Christmas Village, Bukas Para sa Lahat!
- SB San Rafael

- Dec 8, 2025
- 1 min read
Pormal na inimbitahan ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., ang lahat ng residente at karatig-bayan na bumisita at magdiwang sa San Rafael Christmas Village & Bazaar, na puno ng kulay, ilaw, at iba't ibang aktibidad.
Ayon sa Punong Bayan, ang Christmas Village ay idinisenyo upang maging sentro ng selebrasyon, na siguradong magpapangiti sa bawat miyembro ng pamilya dahil sa handog nitong, makukulay na Christmas lights, masasarap na kainan at masasayang palabas at iba’t ibang aktibidad.
Binigyang-diin din ang inaasahang fireworks display na magpapaliwanag sa gabi, at ang presensya ng sari-saring paninda na perpektong pagpipilian bilang pang-regalo.





Comments