top of page

Department Heads at mga Hepe, Bumisita sa Tanggapan ni VM Veneracion


Isang makabuluhang pagbisita ang isinagawa ng mga Department Heads at mga Hepe ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan sa opisina ni Pangalawang Punong Bayan Kuya Edison Veneracion.


Sa gitna ng pagbisita, binigyang-diin ni Vice Mayor Edison ang kahalagahan ng pagkakaisa at maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan. Ayon sa kanya, ang matibay na samahan ng mga lider ang susi upang mas maging mabilis at epektibo ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.


Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangalawang Punong Bayan sa dedikasyon ng mga opisyal sa kanilang tungkulin. Ang ganitong mga pagtitipon ay bahagi ng adhikain ni Kuya Edison na mapanatili ang pagkakaisa sa munisipyo para sa patuloy na ikauunlad ng bawat San Rafaeleño.

Comments


bottom of page