top of page

Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng BFP-San Rafael


Isang mabiyayang simula ng buwan ang bumati sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-2 ng Marso, 2026.



Ang seremonya ay nagsilbing hudyat ng pagbubukas ng dalawang mahahalagang selebrasyon ngayong buwan: ang National Women’s Month at ang Fire Prevention Month. Ang palatuntunan ay pinangasiwaan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni FSINSP Ervin M. Agustin.


Sa mensahe ng pasasalamat nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag laban sa sunog, lalo na’t tumataas ang temperatura ngayong tag-init. Kinilala rin ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pag-unlad ng ating bayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan.


Ang lingguhang pagtataas ng watawat ay patuloy na isinasagawa upang pagtibayin ang disiplina at pagmamahal sa bayan ng bawat lingkod-bayan sa San Rafael, tungo sa isang mas ligtas at inklusibong komunidad para sa lahat.

Comments


bottom of page