Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Municipal Budget Office
- SB San Rafael

- Jan 26
- 1 min read

Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng serbisyo, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-26 ng Enero.
Ang palatuntunan ay pinangunahan ng Municipal Budget Office (MBO) sa ilalim ng pangangasiwa ni Gng. Nerissa L. Villanueva. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng regular na tradisyon ng mga kawani ng gobyerno upang ipakita ang paggalang at pagmamahal sa bayan bago sumabak sa kani-kanilang mga tungkulin.
Dinaluhan ang nasabing seremonya ng mga opisyal at empleyado ng munisipyo, na nagsilbi ring pagkakataon upang pag-isahin ang hanay ng lokal na pamahalaan para sa mas maayos at tapat na paglilingkod sa mga San Rafaeleño ngayong linggo.





Comments