top of page

Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng PESO-San Rafael


Sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang linggo sa pamamagitan ng tradisyunal na Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, ika-19 ng Enero.


Ang palatuntunan ay pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) - San Rafael sa ilalim ng pamumuno ni Ma’am Reela I. Tuazon. Layunin ng aktibidad na ito na muling sariwain ang paggalang at pagmamahal sa bayan bago simulan ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.


Ang flag raising ceremony ay bahagi ng disiplina at pagkakaisa ng mga kawani ng munisipyo upang matiyak ang isang mabiyaya at produktibong linggo para sa lahat ng San Rafaeleño.

Comments


bottom of page