top of page

Food Trip at Pasyalan, Buhay na Buhay sa San Rafael Christmas Village!



Kahit bisperas pa lamang ng ating Grand Opening, damang-dama na ang masiglang atmospera sa San Rafael Christmas Village & Bazaar! Ngayong weekend, dinadagsa na ng ating mga kababayan ang Municipal Grounds upang mag-relax at mag-enjoy sa mga inihandang atraksiyon.


Ang kaganapan ngayong araw ay pauna pa lamang sa mas malaking selebrasyong magaganap bukas. Habang nag-e-enjoy sa pamamasyal, huwag kalimutan ang ating main event:


Inaasahang mas magiging maningning ang gabi bukas sa pormal na pagbubukas ng mga ilaw at iba pang surpresa mula sa ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion.

Comments


bottom of page