top of page

Fun Run sa San Rafael, Inilipat sa Dec. 20; Slots at Freebies, Dinagdagan!



Dahil sa hindi inaasahang buhos ng suporta at dami ng mga nagnanais lumahok, inanunsyo ng komite ang pag-adjust ng petsa para sa inaabangang Fun Run. Upang masiguro ang isang mas masaya at maayos na aktibidad, gaganapin na ito sa Disyembre 20, 2025.


Bilang tugon sa positibong reaksyon ng mga San Rafaeleño, mas pinalaki pa ang mga libreng kagamitan para sa mga tatakbo. Mula sa dating 150, ginawa na itong 200 FREE SINGLETS at FINISHER MEDALS bawat kategorya!


Bukod dito, mayroon ding mga inihandang raffle items na eksklusibong mapapanalunan ng mga kabataang San Rafaeleño na makikiisa sa programa.


Para sa mga nakapag-rehistro na noong Nobyembre 24-28 sa Teen Center, narito ang mga dapat tandaan sa araw ng takbo:

  • Petsa: Disyembre 20, 2025 (Sabado)

  • Call Time: 4:30 AM

  • Gun Start:

    • 10K Category: 5:00 AM

    • 5K Category: 5:30 AM


Ang aktibidad na ito ay open to all ages, kaya naman inaasahan ang pagdalo ng mga pamilya, magkakaibigan, at mga fitness enthusiasts. Layunin ng fun run na ito na isulong ang malusog na pamumuhay at pagkakaisa ng mga kabataan sa ating bayan.

Comments


bottom of page