top of page

Gabay sa Serbisyo: Schedule ng PhilSys, GSIS, at Pag-IBIG sa Munisipyo ng San Rafael


Upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan, inilabas ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang opisyal na iskedyul para sa mga serbisyong hatid ng mga national agencies gaya ng PhilSys (National ID), GSIS, at Pag-IBIG Fund.


Sa ilalim ng inisyatiba nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, ang mga nasabing tanggapan ay magkakaroon ng itinalagang araw o help desk sa loob ng Municipal Compound upang hindi na kailanganin pang lumayo ng mga San Rafaeleño para sa kanilang mga concerns.

Narito ang mahalagang iskedyul na dapat tandaan:

  • GSIS (Government Service Insurance System): Bukas ARAW-ARAW sa ating Information Help Desk para sa mga katanungan at asistensya.

  • PhilSys (National ID): Matatagpuan sa munisipyo tuwing Ika-tatlo (3rd) at Ika-apat (4th) na Miyerkules ng buwan.

  • Pag-IBIG Fund (Home Development Mutual Fund): Magtungo tuwing UNANG MIYERKULES ng bawat buwan para sa inyong mga membership at loan concerns.


Ang ating Pamahalaang Bayan ay nananatiling bukas mula Lunes hanggang Biyernes (8:00 AM - 5:00 PM), maliban sa mga idineklarang non-working days. Layunin ng programang ito na gawing mas "accessible" at "convenient" ang bawat transaksyon para sa bawat miyembro ng komunidad.

Comments


bottom of page