top of page

GAWAD KALASAG 2025: San Rafael, Bulacan, Ginawaran ng Pagkilala sa Disaster Risk Reduction


Muling itinaas ng San Rafael, Bulacan, ang bandila ng paglilingkod matapos makatanggap ang Pamahalaang Bayan ng isang plake ng pagkilala sa prestihiyosong GAWAD KALASAG 2025 awarding ceremony.


Ang pagkilalang ito ay iginawad bilang pagpupugay sa matatag na paglilingkod, dedikasyon, at sakripisyo ng San Rafael, gayundin sa mga natatanging nagawa nito sa larangan ng disaster risk reduction sa gitna ng mga hamon ng sakuna sa bansa.


Naging kwalipikado ang San Rafael matapos nitong makamit ang mataas na iskor na 1.70 sa 2025 Regional Assessment para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs). Ang iskor na ito ay nagpapatunay na matagumpay na natupad ng lokal na pamahalaan ang mga itinakdang kwalipikasyon at pamantayan sa ilalim ng pagsusuri.


Ang tagumpay na ito ay maituturing na patunay sa epektibong pamamahala ng disaster management programs ng bayan.


Sa tagubilin ng masipag na Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., personal na tinanggap ng Secretary to the Mayor, G. Acmad Calaca, ang parangal. Kasama ni Calaca ang ilang mahuhusay na kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Local DRRM Officer Reynaldo T. Villanueva.


Ginanap ang seremonya ng paggawad sa Laus Event Center, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Comments


bottom of page