top of page

Gng. Emilia Mendoza, Benepisyaryo ng DOLE Livelihood Program.


Isang hakbang tungo sa mas matatag na kinabukasan ang tinatahak ngayon ni Gng. Emilia E. Mendoza, isang residente ng Barangay Capihan, matapos siyang mapili bilang isa sa mga benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).


Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng masigasig na pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael, sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Reela I. Tuazon, at sa patuloy na suporta ng ating Pamahalaang Bayan.


Ang DILP o Kabuhayan Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay naglalayong bigyan ng kaukulang kagamitan at pagsasanay ang mga kwalipikadong indibidwal upang makapagsimula o makapagpalago ng sariling maliit na negosyo. Para kay Gng. Mendoza, ang tulong na ito ay hindi lamang materyal na kagamitan kundi isang malaking oportunidad upang iangat ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya.


Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan, sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion, na ang pagbibigay ng hanapbuhay ay isa sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyon. Sa pamamagitan ng PESO, tinitiyak na ang mga programa mula sa nasyonal na ahensya ay direktang nakakarating sa mga nangangailangang San Rafaeleño.

Comments


bottom of page