Grand Finale: San Rafael Christmas Village & Bazaar, Matagumpay na Nagtapos!
- SB San Rafael

- Jan 4
- 1 min read


Matagumpay at makulay na nagtapos kagabi ang San Rafael Christmas Village & Bazaar 2025, na nagsilbing sentro ng saya at negosyo para sa mga San Rafaeleño sa buong panahon ng kapaskuhan.
Ang Grand Finale ay binalot ng masiglang enerhiya mula sa mga kahanga-hangang dance performances ng mga kabataang San Rafaeleño na nagpakitang-gilas sa huling pagkakataon sa entablado ng munisipyo.
Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng ating mga stall owners at bazaar participants, nagkaroon din ng masayang pa-raffle bilang munting regalo ng Pamahalaang Bayan para sa kanilang pakikibahagi sa tagumpay ng Christmas Village ngayong taon.

Ang gabi ay tinampukan ng isang kamangha-manghang fireworks display mula sa tanyag na Dragon Fireworks. Ang makulay na pagsabog ng liwanag sa langit ay nagsilbing simbolo ng pag-asa at maningning na kinabukasan para sa buong bayan sa pagpasok ng taong 2026.
Sa pangunguna nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr., Vice Mayor Edison M. Veneracion, at mga Kagawad ng Sangguniang Bayan, nagpaabot ng pasasalamat ang pamahalaan sa lahat ng nakiisa.





Comments