top of page

GSIS Application Seminar, Isinagawa sa Pamahalaang Bayan


Sa layuning mapabilis ang mga proseso at gawing mas "digital-ready" ang ating serbisyo-publiko, isinagawa ngayong araw, ika-20 ng Pebrero, 2026, ang isang espesyal na Training at Seminar sa paggamit ng GSIS Application para sa mga piling kawani ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael.


Ang naturang pagsasanay ay bahagi ng adhikain nina Mayor Cipriano D. Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na itaas ang antas ng kasanayan ng mga empleyado ng gobyerno sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng GSIS Touch o mobile application, inaasahang magiging mas madali na ang pag-monitor ng mga records, loan applications, at iba pang benepisyo ng mga lingkod-bayan nang hindi na kinakailangan ang mahabang pila sa mga sangay ng GSIS.



Comments


bottom of page