Hakbang para sa Mas Maayos na Tubig, Tinalakay sa SB
- SB San Rafael

- Jan 14
- 1 min read

Isinagawa ng Sangguniang Bayan ng San Rafael ang isang Lupong Pagdinig (Committee Hearing) upang tutukan at isaayos ang operasyon ng PrimeWater sa bayan.
Pinangunahan ang pagdinig nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, katuwang si Kgg. Gerardo C. Torres bilang Tagapangulo ng Public Utilities. Dumalo rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang dinggin ang mga isyu sa serbisyong pangtubig.
Sa suporta ni Mayor Violago, nagbigay ng legal na payo at paliwanag sina Atty. Leilani Escuetta at Atty. Bon Altares tungkol sa mga nararapat na hakbangin na dapat gawin ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak na makakamit ng bawat San Rafaeleño ang maayos at de-kalidad na suplay ng tubig.





Comments