Happy Birthday, February Celebrants! Pagbati para sa mga Kawani ng San Rafael
- SB San Rafael

- Feb 1
- 1 min read

Isang masaya at mapagpalang pagbati ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga Municipal Employees na magdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Pebrero.
Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan ang pagbibigay-pugay sa mga kawaning nagsisilbing katuwang sa paghahatid ng tapat na serbisyo sa ating bayan.
Ang buwan ng Pebrero ay hindi lamang buwan ng pag-ibig kundi buwan din ng pasasalamat para sa mga dedikadong manggagawa ng munisipyo na nag-aalay ng kanilang talino at lakas para sa ikauunlad ng San Rafael. Dalangin ng pamunuan ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, at gabay ng Maykapal sa inyong araw-araw na paglilingkod.





Comments